Monday, January 31, 2011

Ikaw lang ang superhero na magliligtas sa'kin dito.

I hope that from now on I'll be posting less emo/sloppy/dramatic/whatev entries. There's more to life than just one person. Maybe he's still out saving the world (or studying hard). And if he is, so must I, in order for us to make a kick-ass team-up in the future. Hah!
MoroƱo, 2011 (Revamped)

Pwede pagbigyan nyo ako? Saglit lang ngayong gabi (teka umaga na pala). At pagbigyan nyo ako, magtatagalog muna ako. Hehe.

Miss na miss na miss na miss na kita. Sobra. Sooooobra. Hindi ko alam kung alam mong ikaw ang tinutukoy ko, pero sasabihin ko pa rin at mananalig na sana ay mailabas mo ang pagiging feelingero at hubarin ang pagiging manhid kahit saglit lang. Miss na miss na kita. Hindi ko alam kung ano yung nagiging dahilan ko para magpatuloy pa ng ganito, kahit na parang sidekick mo lang naman ako-- yung Jughead ni Archie, Milhouse ni Bart, Morgan ni Chuck, Robin ni Batman.

Napaisip tuloy ako kung may posibilidad ba na ma-promote ang sidekick at maging leading lady-- Yung Lois Lane ni Superman, Mary Jane ni Spider-Man, at Sarah Walker ni Chuck Bartowski.

Pwede naman 'di ba?

Miss na miss na miss na miss na kita. Ang sarap ulit-ulitin. Sabi rin ni Doc Ock sa Spider-Man 2, "Love should never be a secret. If you keep something as complicated as love stored up inside, it will gonna make you sick." Kaya eto na, sasabihin ko na...

Lab kita. Lab na lab kita. Ikaw ang power-up ko, parang spinach ni Popeye at bato ni Darna. Pero ikaw rin ang kahinaan ko, parang alcohol ni Iron Man, Kryptonite ni Superman, at damdamin ni Chuck.

At kahit na feeling superhero ako, ayokong sagipin ang mundo kung hindi naman ikaw ang ka-tandem ko.

No comments: