Saturday, November 26, 2011

Akala mo lang wala akong pakialam sa'yo, pero meron. Sobra-sobra pa nga na effort akong tiisin ka para di ako magmukhang makulit at naghahabol sayo, lalo na ngayong alam mo naman na mahal (pa rin) kita.

Pero sa totoo lang gabi-gabi hinihintay pa rin kitang mag-online kahit na alam kong di mo naman ako kakausapin, para lang malaman ko na safe kang nakauwi. Chinecheck ko kung may bago kang status update; baka sakaling mangyari sayo yung biglaang epiphany na nangyari sa aking noong nagtapat akong mahal kita at makita ko na lang na nagstat update ka na na mahal mo rin ako. Hindi mo alam to, malamang, at pati ako naccreepyhan din minsan sa sarili ko dahil chinecheck ko palagi yung relationship status mo at natatakot na bigla ko na lang makitang in a relationship ka na isang araw na hindi pangalan ko ang nakadugtong.

Pasensya na kung creepy ha. Ito lang kasi ang kaya kong gawin--sa ngayon--para makibahagi sa mundo mo.

2 comments:

Anonymous said...

Haha. Dati ganito rin ako. Gabi-gabing naghihintay. Tapos pag wala siya naiiyak. T_T

Labs pasensya na at ako ay nagtotroll.

Karen Christine said...

Ganyan talaga labs. Hirap kalimutan e. :(

Mabuti na lang at ikaw ay nagttroll at nalaman kong may bumibisita pala nitong blog ko. LOL.