Friday, March 28, 2008

imposible

"gusto mo, ipanalangin natin ang imposible?"

yan ang sabi sa'kin ng kaibigan ko noong isang araw. ipanalanging mangyari ang imposible. alam ko naman, nananalangin naman ako na biyayaan ako ng sapat na pananampalataya para hindi man makapag-usad ng mga bundok, e magawang posible ang imposible. pero--BAM!hindi sapat ang pananampalataya ko. wala ni katiting. walang wala sa sukat ng butil ng mustasa. wala.

ginawa ko lahat ng kaya ko. pero ang imposible ay nanatiling imposible.

5 comments:

Anonymous said...

kcee..
marahil posible..
pero hindi pa panahon na mangyari yun kaya siguro naging imposible..
magpakatatag ka lang at patuloy na maniwala at manalig sa Kanya..
kakayanin mo ang lahat ng pagsubok na kakaharapin mo..

Karen Christine said...

salamat yayie.. mahal na mahal ko kayo nila aira, xy at faye. salamat ulit.

Anonymous said...

mi pelu...
hug..hug..hug!
mwach!
walang imposible lalo na sa taong naniniwala...
kaya po maniwala ka lang na magagawa mo...
alam ko at alam naming malalampasan mo ang pagsubok na ito...
basta tatandaan mo lang na hindi ka namin iiwan...

mahal na mahal ka namin!

Karen Christine said...

alam kong kaya ko 'to. but it'll never be OK. never. kahit saang paraan ko tignan, walang maganda. 100% pure crap.

anyway, salamat sa encouragement. mahal na mahal ko rin kayo.

Karen Christine said...

hindi na sya imposible.