...mahirap ang pinagdaraanan nila.
akala ko madali lang magsurvey. nagawa ko na yun nung third year high school ako para sa isang news article sa The Republic, at "sisiw" lang naman. fifty pa nga ang ininterview ko noon, kaya pinagsagot ko lahat ng 49 kong classmates, plus yung isa kong pinsan na taga- 'celo din.
ang resulta? isang biased, somehow fabricated na news article.
ang sa akin lang naman kasi noon, basta nagtanong ka ng opinyon ng ibang tao, OK na. masabi lang na nag-survey ka.
ngayon, first year college na ako. at kailangan ko ulit mag-survey para sa research paper ko sa Comm2. ayoko nang maulit ang survey na ginawa ko dalawang taon na ang nakalilipas (waw, ang deep!) kaya naman inayos ko na. may survey sheets na ako ngayon, hindi tulad ng dati na yellow paper lang na parang hinugot sa kung saan.
kahapon, pumasok ako ng maaga dahil natatakot akong maubusan ng sasakyan dala ng transport strike, at iniisip ko rin ang exam namin sa Psych10. pagdating ko sa GAB304, wala pang prof (kunsabagay... madalas namang ganun) at kaunti pa lang ang tao. pagkaupo ko sa silya ko ay sumulpot si manong guard sa pinto at sinabing wala nang klase. WATDAEF?!
tinamaan ng... minsan na nga lang ako makarating sa unibersidad ng maaga tas ganito pa ang mangyayari. para hindi masayang yung iniluwas ko sa Maynila, inayos ko na yung survey ko. kumain muna kami ni aira sa 7 eleven bago mag-survey. instant sotanghon ang kinain ni aira. ako? instant pancit na nalagyan ko ng sabaw. hindi kasi ako nagbabasa ng label.
gusto ko na sanang matulog, wala kasi akong tulog noong gabi dahil inasikaso ko naman yung life journal sa Psych. pero kung hindi ko gagawin ang survey ngayon, kailan pa? (amp. ang drama). kaya lumabas kami sa lansangan ng Pedro Gil, ready for action.
Hello! I'm a student from the University of the Philippines Manila, and I just want to conduct a survey regarding political symbols and occult signs printed on shirts and other items. it's for my research paper which is a requirement for passing my Comm2 class. could you please help me and answer this survey? (minsan tinatamad akong mag-english, pero si Aira, laging ginagawa ito. kailangan mo raw kasi silang inglisin para ma-intimidate)
hindi tulad ng survey na ginawa ko nung third year, gusto ko, suuuper random na ng mga utaw (tao) na magpaparticipate sa survey ko. ininterview ko si manong na nagtitinda ng DVDs sa tabi ng UPCN, si manong na idle na nakatayo sa may poste, na pagkatapos kong tanungin ay nag-interview rin sa akin kung paano makakapasok ang anak niya sa UP, at yung mga ate sa AmBlvd sa Rob Ermita. sila yung uri ng mga taong may puso, yung tipong hindi ka na gaanong pahihirapan at kukunin na lang ang survey sheet at ballpen na hawak mo.
pero syempre, hindi pa rin mawawala ang mga taong, well... medyo pa-hard to get. isang tao ang nakita kong naglalakad sa Rob at medyo mabilis ang lakad niya. napansin namin ang suot niyang damit na may nakaprint na occult signs kaya naman super perfect sya para sa survey at ayoko nang pakawalan. sinundan ko sya hanggang sa loob ng isang certain boutique, at habang nagbubukas sya ng lata ng tuna, ako na ang nagsusulat ng sagot para sa kanya.
meron pang isa, si ate Che Guevara. naglalakad rin sya sa mall at medyo mabilis rin ang lakad nya. hinabol namin sya ni Aira at sinabi ang aming makabagbag-damdaming intro. papayag na sana, kaso, nung tinanong ko yung pangalan, biglang tumanggi, at sinabing sa iba na lang ako magtanong. nagtaka kami ni Aira, at naisip naming malamang ay medyo hindi kagandahan ang kanyang pangalan...
pagkatapos namin sa Pedro Gil at sa Rob Ermita, lumipat naman kami sa Ever Gotesco sa Kalookan. hindi gaanong karamihan ang tao, pero ayos lang, dahil kung marami naman sila eh mapapraning ka naman dahil baka biglang may manghablot ng cellphone mo. naglakad kami ng konti, nangharang ng mga tao, at pumasok sa Tom's world na bwakanang-init, parang extension ng pan de Malolos. doon, mayroong mababait na mga tao, pero meron ding iba na sinisimulan ko pa lang ang intro eh matindi na ang pag-iling. dito napapagtanto ko na ang hirap ng mga taong laway ang puhunan para kumita... mahirap pala.
sa tulong ng aking mabuting kaibigang si Aira (beybeh!) natapos rin namin ang survey. yeh! nakasalamuha ko ang maraming uri ng tao: yung mga mabait (sure! akina, sagutan ko), yung mga pahirap (ah, eh, marami pa akong gagawin e. *konting pilit* sige na nga), yung mga snob (*iling* sa iba na lang), yung mga pakunwaring walang alam o malay natin wala talagang alam (wala akong alam dyan, sa iba na lang), at yung mga taong sobra naman ang bait (gusto mo sagutan na namin lahat? marami pa ba yan?). nalaman ko rin ang hirap ng mga taong laway ang puhunan para kumita ang magkaroon ng laman ang sikmura...
...ang deep.
unang blog post ko pala 'to dito sa blogspot. welcome! :D

1 comment:
test drive.
Post a Comment