Wednesday, March 12, 2008

Club dance at Real Life

sa Audition Dance Battle, may naglalaro para magyabang. may naglalaro para magpa-impress, at may naglalaro para sa lablayp.

Club Dance ang tawag sa isang uri ng laro na kung saan may tig-tatlong lalaki at babaeng player. ang goal ay magsayaw ka at umasang ang partner na sasayawan mo eh sasayawan ka rin. pag nagkataon, partners na kayo, at may pagkakataon pang magkaroon kayo ng maraming hearts pag naka-synchro perfect. sa huli, magyayakapan ang dalawang charac, pag mas maraming puso, baka mag-kiss pa.

hehe. ang cute no?

pero hindi lahat ng mga naglalaro ng club dance ay humahantong sa masayang ending. mayroon kasing players na nagpipilit makapartner yung character na pinakamataas yung level. sa huli, isa lang naman yung pipiliin ng charac na yon, malas lang nung iba dahil magsasayaw sila mag-isa, habang yung pinili nilang makapartner eh iba ang kasayaw sa saliw ng tugtuging kaindak-indak (insert song: My Boy by Nara Jang).

madalas akong mabiktima ng maling pagpili ng partner noong naglalaro pa ako ng Audition Dance Battle. madalas akong sumayaw mag-isa, habang lahat ng mga kalaban ko eh gumagawa ng mga puso kasama ng partners nila. ang masakit pa sa paglalaro ng Club Dance ay yung katotohanang kahit na magaling ka, kahit na ikaw pa yung #1 player, loser ka pa rin. bakit? dahil wala kang partner.

nakakatawa lang, yung sinasapit ng character ko sa Audition ay nagyayari rin sa'kin sa tunay na buhay.

(napagtripan naming usapan ni yayan habang naglalakad papuntang LRT.)

No comments: