Saturday, March 22, 2008

dalawang taon na pala

...ang lumipas mula nang sabihin mo sa aking gusto mo akong maging kaibigan. alam kong natatawa ka dahil naaalala ko pa ang eksaktong petsa. dalawang taon na, ngunit hanggang ngayon ay natatandaan ko pa kung paano nangyari, at oo, natutuwa pa rin ako pag naaalala ko ang mga sandaling iyon.

naaalala ko pa nga kung paano mo iniharang ang backpack mo para hindi ako mainitan habang nakaupo tayo sa bleachers. alas tres na kasi noon, kasagsagan ng init at idagdag mo pa ang kaba na nararamdaman ko dahil katabi kita, kaya hindi ako makapakinig ng maayos sa campus ministry na pareho nating dinadaluhan. napansin kong naiilang ka rin habang katabi mo ako, dahil paulit-ulit mong pinipilipit ang hawak mong panyo noon.

hindi ko pa rin nalilimot kung paano mo inabot ang kamay ko noong sabay tayong bumaba ng bleachers... at aaminin kong isa yun sa mga pinakamasayang tagpo ng buhay ko. hindi ko pa rin malimot ang ngiti mo habang hinahawakan mo ang aking kamay.

ngayon, magkalayo na tayo. kapag nagkakasabay tayo sa bus kapag papasok sa eskwela, ni hindi tayo nagpapansinan. parang walang nangyari, parang wala kang sinabi dati...

halata namang hindi mo natupad yung sinabi mo dalawang taon na ang nakalilipas... na gusto mong maging magkaibigan tayo, dahil ngayon... ikaw na ang lumalayo.

2 comments:

Faye Yangyang said...

Yuhoo. May lovelife ka pala dati Kcee e!

Kaso too bad... ayun. Hay.

Hindi bale. Kung may nawala, may darating :)

Karen Christine said...

francess my labs, drama lang to. hindi naging kami... ni hindi ko nga alam kung ano ang totoong nararamdaman nya. pero ewan ko ba kung bakit sobrang adik ako sa punyemas na yun. haaay.

salamat sa pagbisita sa blog ko! labsyu francess my labs! :D