sa sobrang gulo ng pag-iisip, walang title ang post na ito.
ikaw lang ang taong nakakapagpasaya sakin ng sobra. ikaw rin ang dahilan ng pinakamatindi kong pag-iyak. ikaw lang ang may kayang makapanakit sa'kin ng sobra, na yung mga taong nagpapahalaga sakin e nagagalit na sa'yo, pero pinagtatanggol pa kita.
nabura mo ang linya sa pagitan ng "pagmamahal" at katangahan. nang hindi mo alam. hanggang saan ba ang hangganan ng pagmamahal? saan nagsisimula ang panloloko sa sarili na may pag-asa ka pa?
o may hangganan ba ang pagmamahal? o totoo bang meron? bakit kapag ako na yung nagbigay, hindi bumabalik? dati hindi ko naman hinihiling yung ganito. pero ngayon, mahirap na hindi umasa. bakit pa kasi ako umasa. bakit pa kasi ako sumugal. dapat pala, dati pa lang di na kita kinausap. siguro ayos ako ngayon at walang blog post na ganito. hindi na sana nadagdagan yung mga sulat na di mo rin naman mababasa.
pero habang tinatype ko to, naiisip kita. hindi mo naman sinasadya. wala ka namang alam. hindi mo alam na kapag nagkkwento ka, iniisip ko na sana ako na lang yung iniisip mo ng ganyang katindi. o kahit hindi ganyang katindi, basta iniisip mo rin. hindi mo alam na nasasaktan din ako kapag nasasaktan ka.
hindi mo alam na ngayon pa lang iniisip ko na kung pano ako magpapanggap na masaya pag sinabi mo na ang "maganda mong balita" na wawasak ng hardcore sakin.
ako pa ang nagsabi sayo na hindi dapat matakot pag nagmamahal. hindi natatakot, pero nawawalan rin ng pag-asa. ang dami ko pa namang metaporang naisip para lang kumbinsihin ang sarili kong sulit sa'yo ang pagsugal, ang pag-dive sa malawak na karagatan, ang pag-settle bilang pangalawa sa merkado, ang pagsakay sa bus kahit na malubak at nakakahilo ang daan. sa huli, malulunod rin pala ako. hindi ko rin pala mahuhuli ang puso ng target market. hindi rin pala ako makakarating sa dapat kong pupuntahan.
pero kung sakaling magbago ang isip mo sa di malamang kadahilanan, nandito pa rin ako. kaya ko pang magtiis. pinili ko naman 'to e. dahil yung nagpapasaya sakin, at yung nakakapagpaiyak sakin ng sobra... ikaw pareho. galing mo sir.
No comments:
Post a Comment