Lem: pano mo babaguhin yung framework nang hindi nagagalaw yung data?
KC: nasubukan mo na bang maglaro ng UNO Stacko na inuuna yung bricks sa ilalim?
Lem: Ah, oo. Dapat hindi pasmado. O_O
***
Pam: Hirap gumawa ng report kung wala ka namang alam! Buti pa sa GMANews TV, oras oras palagi kang may alam!
***
Lem: Ayoko nang mag-thesis. Ayoko na. Ah! (rubs eyes)
KC: Ok lang yan Lem. Ang mga tunay na lalake, marunong umiyak.
Lem: Sira. Natalsikan ng kalamansi yung mata ko.
***
Ninin: Isipin mo, para yang nilaga. It takes time. Malay mo kailangan pang palambutin yung baka.
Pam: Parang sa prito, kailangan munang mainit yung mantika.
Ninin: Basta siguraduhin mong may sindi yung kalan. Saka sabayan mo na rin ng sinaing. Tapos ihalo mo na yung gulay sa nilaga 'pag malambot na yung baka. Masarap ang kalalabasan nyan, hindi katulad ng kung ipinilit mo kahit na hindi pa dapat, pagkasubo mo iluluwa mo lang din.
KC: Ikaw na. Ikaw na ang dyosa ng metaphors, Nins.
***
(Staring at my thesis draft with my adviser's note: "Where's OrCom here?")
KC: Where's OrCom? Ayan! Marketing! PR!
Lem: Sakop din kaya ng OrCom ang Marketing ang PR! E di lahat pala ng thesis ng batchmates hindi rin OrCom, dahil kadalasan HR-related yung dinadali nila!
Gem: E sino bang prof sa department ang graduate ng OrCom? Yung mga adviser naman natin di naman OrCom yun e.
KC: Sa susunod kaya soplain natin sabay sabing "magaling ka pa sa'kin, ano ba course mo?" HAHAHA
Gem: Kayo na rin kaya ang nagsasabi saming OrCom is the Jack of All Trades!
***
Lem (looks at Gem's leftover rice): Uhhh... Gem, kakainin mo pa ba 'yan? Wala ka nang ulam e.
Gem: Hindi na. Gusto mo ba?
Lem: O sige akin na. Yes! Gumana ang Filipino etiquette sa panghihingi ng tirang kanin!
***
Ate Avon (to me): Ano ba'ng nangyari sa'yo kanina? Bakit para kang na-rape?
***
Dion (to Khits): Ang cute mo kaya kapag nalalasing.
KC: Ayos, may spark!
Angel: Khits, kung kani-kanino ka pa nang-aasar, kay kalbo ka rin pala babagsak!
Ninin: Khits, kung kani-kanino ka pa tumitingin sa lalaki ka rin pala mapupunta!
***
Joed: Sir, ang galing sa pinag-OJT-han namin. Pag wala kaming magawa binibigyan kami ng assignment sa ibang department. Nakarating nga ako ng warehouse nun e.
KC: Oo, para ka ngang bisor e, pati sa HR nakakarating ka.
Joed: Sa warehouse “tsip” ang tawag nila sakin.
Ganyan na ang mga sinasabaw. Hoooooooo.
No comments:
Post a Comment