Saturday, May 28, 2011

Naiinis.
Meron akong nami-miss.
Isang taon ko nang ‘di nakikita,
Kung di ako kikilos, may pag-asa pa kaya?

Lumuluha.
Pag kinakausap ko sya.
Masakit makwentuhan na iba ang gusto nya.
Pero kinakaya (ako pa).
Mabuti nang masaktan na lang,
Kaysa pagkakaibigan ay masayang.

Kasinungalingan.
Yan ang problema.
Wala naman talagang iba,
Sya lang naman mula sa simula.
Nato-torpe lang, kaya sa ganyan idinaan.
 

Naguguluhan.
Sa pag-ibig na nararamdaman.
Mahal ko sya. Sobra.
Isang taon na.
Pero di ko alam kung may patutunguhan pa. 

Nalilito.
Sa gulo na pinasok ko.
Mahal din pala nya ako!
Pero pano ko ngayon malulusutan ‘to,
Kung ang alam nya’y iba ang gusto ko?
 

Nagsisisi.
Kung bakit ko pa sinabi.
Alam ko naman na ako talaga, mula pa simula.
Sabihin nya lang, wala nang paliwanagan.
Pero bakit lakas ng loob sya’y kinulang? 

Nasasaktan.
Sobrang hapdi sa pakiramdam.
Mahal namin ang isa’t isa.
Pero hindi naiwasang ang mga puso ay masugatan.

No comments: