Tuesday, February 8, 2011

"Sarap Mabuhaaaaaay!"

Oo, dapat may conviction.
Para sa'yo, bakit masarap mabuhay? :)

Project ng ilan sa mga batchmates ko ang Sarap Mabuhay. Habang sinusulat ko to, binabaha ang Facebook news feed ko ng status messages na nagsasabi ng kanya-kanyang dahilan. May ibang pa-deep, inlab (Sarap mabuhay pag kasama si Nad --Lara), nakakakilig (Sarap mabuhay pag ika’y minamahal ng tunay! ♥ --Eya), at simple lang (Masarap mabuhay pag may broadband connection ka sa bahay. Hahahaha –Diane F).

Napaisip ako. Nasabi ko na ba kahit minsan kung bakit “Masarap Mabuhay?” Kasi nung nakita ko yung mga sagot nila, wala akong maisip na dahilan on the spot.

Sarap Mabuhay, magmahal, at magsaya. Kailangan pa ba ng dahilan kung ang buhay mo'y parang sa bida ng isang napakagandang pelikula? :) --KC

Kaya pala. Yung pelikula ko, hindi pa tapos yung Direktor sa paggawa. Pero syempre nag-eenjoy naman ako kasama ang kapwa ko artista, at so far, for-the-win ang mga na-shooting nang eksena. Merong sobrang bigat na drama, suspense, action, inspirational, at situational comedy na talagang mapapa-LOL ka. Walang remake, walang cut scenes, lahat original na gawa. Samahan mo pa ng magandang soundtrack, dahil sa huli, lahat yan ay pagsasama-samahin sa isang box-office na pelikula. (Wow, rhyming lahat.)

Pero syempre, sa likod ng nagpapanggap na metaphor, meron talaga akong mga dahilang simple lang.


Sarap mabuhay...
Dahil may Yellowcab na malapit lang.
Dahil sa instant good vibes na dala ng Skittles.
Dahil may pinadala si Lord na mga kaibigan.
Dahil nakakatulog nang sandali lang, at mag-rakenrol sa natitira pang oras!
Dahil may iPod.
Dahil may video games na paglalabasan ng sama ng loob.
 Dahil may remote control.
Dahil may Parokya ni Edgar, Eraserheads, Westlife, at Chuck.
Dahil may mga pelikulang tulad ng 500 Days of Summer na wawasakin ang konsepto mo ng pag-ibig, ngunit gayunpaman, naniniwala ka pa rin.
Dahil iba’t iba tayo ng paniniwala.
Dahil may mga simpleng tanong na mapapaisip ka tulad nito, na patunay ng kalamangan mo sa ibang nilalang—ang mag-isip.
Simple lang, dahil may pag-asa para magpatuloy.

Para sa'yo, bakit masarap mabuhay?

3 comments:

Anonymous said...

Aww KC na-touch ako Makapag-blog nga rin. Haha. ♥

Anonymous said...

Oops! Si Lara pala to. :))

Karen Christine said...

Lara! Salamat :"> natuwa ako sa campaign nyo, eye opener. God bless your team!

post mo yung link pag nakapag-blog ka na :) ♥